
BALAK na palang palitan ng ‘E. A. T.’ sina Maja Salvador at Maine Mendoza, at ito’y sa katauhan ni Atasha Mulach isa sa mga kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Siya pala ang ipinalit kina Maine Mendoza at Maja Salvador, kung ito’y mabuntis na dahil may mga asawa na nga.
“Ipinakilala na ho si Atasha Mulach last Saturday ng ‘E.A.T.’ at ok naman at tanggap na ito ng mga followers ng nasabing show. Nag pamalas ng galing itong si Atasha sa pagsasayaw, at mukhang tataubin nito si Cassy kung hindi ito sasagot sa hamon ng ‘E.A.T.’
“Pero hindi naman nababahala si Cassy Legaspi, dahil kaya rin niya ang ginagawa ni Atasha. Kung sayawan lang ang pag-uusapan ay hindi rin naman ito papahuli, at kaya niyang tapatan si Atasha. Kaya nga bongga ang tapatan ng ‘Eat Bulaga’ ng GMA7 versus ‘E.A.T.’ ng TV5,’ chika pa ng aking source.
Well, sino kaya ang lulutang kina Atasha Mulach at Cassy Legaspi. Dahil pareho namang mahusay ang dalawa. Sino kaya ang aarangkada ang career sa dalawa?
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC