Patay si former UFC fighter Maiquel Falcao, 40 matapos maiulat na pagsasaksakin. Inatake ang Brazilian MMA star sa kanyang hometown sa Pelotas. Doon ay walang habas na siyang pinagsaksak sa tiyan ayon sa pahayag ng MMA Fighting. Nangyari ang insidente sa isang club.
Nangyari ang insidente bandang alas 3:00 ng madaling araw. Matapos ang stabbing, agad na isinugod sa ospital si Falcao.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. Lalo na kung sino ang salarin sa pananaksak. Sa loob ng halos 2 dekada bilang pro-fighter, may record si alcao na 40-20 win-loss. Isa naman ang no contest. Lumaban siya ng isang beses sa UFC, kung saan ginapi si Gerald Harris by decision noong 2010.
BInansagan siyang ‘Big Ron’ sa UFC. Kalauna’y binitiwan ni Dana White matapos masangkot sa pananakit sa babae sa isang nightclub. Lumipat si Falcao sa Bellator at doon nagpakitas gilas sa pakikipagbuno sa octagon.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2