
BINUKSAN na ang main arrival curbside sa NAIA Terminal 1 para sa lahat ng pribadong sasakyan na dating eksklusibo lamang sa mga pasaherong VIP.
Ayon sa NAIA Infra Corp. (NNIC), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bahagi ito ng pagsisikap na maayos ang daloy ng trapiko at karanasan ng mga pasahero sa paliparan.
Ang pagbubukas ng main arrival curbside ay pangunahing feature ng bagong reconfigured pickup system sa Terminal 1.
Pinapasimple nito ang pag-pickup ng pasahero ng mga pribadong sasakyan, ride-hailing services at metered taxi.
May 14 na itinalagang loading bay sa main arrival curbside.
“The new system is currently in its soft launch phase to provide passengers and transport providers an opportunity to familiarize themselves with the changes. This phase also allows for fine-tuning and adjustments to ensure a smooth transition before its full implementation,” pahayag ng NNIC. (ARSENIO TAN)
More Stories
Toby Tiangco, tinawag na ‘big loser’ ni Barry Gutierrez sa palpak na kampanya ng Alyansa
Marcos hinihikayat ang bayan na magkaisa at ituon ang pansin sa pag-unlad pagkatapos ng midterm elections
Walang ‘bloodbath’ sa impeachment trial ni VP Sara Duterte — Leila De Lima