UMABOT sa record-breaking na walong milyon ang bilang ng dumalo sa ‘Traslacion’ noong Enero 9 na ginunita ang Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ito ay napag-alaman mula kay Manila Police District Director PBGen. Arnold Thomas Ibay, na nagsabi na natapos ang prusisyon ng alas-1:26 ng madaling araw, Enero 10, 2025, nang ang kagalang-galang na imahen ng Itim na Nazareno ay dinala pabalik sa Minor Basilica o Quiapo Church.
Ang prusisyon na nagsimula sa Quirino Grandstand ng alas-4:41 ng umaga. tumagal ng 20 oras at 45 minuto.
Sinabi ni Ibay na bagama’t may nasugatan, ang nasabing prusisyon ay naging mapayapa at maayos.
“We extend our heartfelt gratitude to the Secretary of Interior and Local Government (SILG), Sec Jonvic C Remulla, Jr.; the City Mayor of Manila, Honorable Honey Lacuna-Pangan; our Chief PNP, PGen. Rommel Marbil; our Acting Regional Director, NCRPO, PMGen. Anthony Aberin and Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula for entrusting us with this religious national event,” ayon kay Ibay.
Pinuri rin ng MPD chief ang mahigig sa 12,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP), partikular ang mga pulis-Maynila, dahil sa epektibong pagbibigay ng seguridad sa milyong-milyong deboto na nakibahagi sa Traslacion.
“I would like to commend our police officers on the ground who extended their relentless service in ensuring the safety and security of this year’s feast. My thanks also goes to the religious members of the Catholic Church, other government agencies and force multipliers for their cooperation in making the celebration of Nazareno 2025 safe and peaceful,” ayon kay Ibay.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW