November 6, 2024

Mahigit 700 PDLs nakalabas na ng Bureau of Corrections

Tinatayang 783 persons deprived of liberty o PDLs ang pinalaya ng pamunuan ng Bureau of Corrections nitong nakalipas na buwan ng Marso.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, kumpara noong Pebrero (2024) mas mataas ng 77 ang mga nakalaya noong Marso na  galing sa iba’t ibang prisons and penal farms na pinangangasiwaan ng ahensiya.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 12,836 ang  kabuuang bilang  ng PDLs na nakalaya sa ilalim ng   administration ng Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Catapang ang 132 sa nakalaya ay pinawalang-sala, apat ay nakapagpiyansa, dalawa ay pinagkalooban ng conditional pardon, 528 ay nagpaso na ang maximum sentence, 20 ay isinailalim sa probation, at ang 97 nabigyan ng parole.

Sa 783 na pinalaya,  149 ay galing sa New Bilibid Prison-Minimum Security Compound, 146 sa NBP Maximum Security Compound, 99 sa NBP- Medium Security Compound, 96 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 65 mula sa Correctional Institution for Women at Iwahig Prison and Penal Farm, 55 sa San Ramon Prison and Penal Farm, 48 sa Sablayan Prison and Penal Farm, 44 sa Leyte Regional Prison at 16 ay mula sa NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC).

Samantala, 500 PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City  ang inilipat sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City kagabi, bilang bahagi ng decongestion program ng BuCor.