December 24, 2024

Mahigit 14K mga pasyente sa Pasay gumaling sa COVID-19




Pumalo na  sa  14,600 na mga tinamaan ng COVID-19 sa Pasay City ang gumaling sa sakit kabilang na ang 42 ang naitalang bagong naka rekober sa sakit.

Ayon sa Pasay City LGU umakyat na sa15,575 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos makapagtala ng 80 panibagong kaso ng COVID-19 kung saan umaabot sa 568 ang aktibong kaso sa Pasay.

Paliwanag ng LGU gumagawa sila ng mga hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 sa pamamagitan ng  aktibong contact tracing,

pagsasagawa ng mas maraming RT PCR testing,Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na Community Quarantine sa mga apektadong Barangay kung saan marami ang naitalang kaso ng COVID-19.

Giit ng Pasay LGU puspusan ang kanilang ginagawang monitoring para matukoy pa ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng naturang virus.