Happy New year sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Ito ang una nating sipra sa taong 2021. Talakayin natin ang tungkol sa magandang dulot ng ‘urban farming’.
Sa Kamaynilaan, may ilang barangay ang gumawagawa nito. Partikular sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Natuwa tayo nang batid na ang isang football field sa likod ng isang parokya sa Maynila— ay ginawang taniman ng gulay.
Isinagawa ang nasabing proyekto noong Nobyembre nitong nakaraang taon. Mainam ito sa kabila na nakikibaka tayo sa COVID-19.
Makalipas lamang ang 3 buwan, naani na ng mga nagtanim ang mga gulay. Naibebenta sa palengke ng mura.
Ilan sa mga naaning gulay doon ay ang pechay, spinach at iba pa. Naikasa ang proyekto sa kasunduan ng Department of Agrarian Reform at St. John Don Bosco Parish sa Tondo.
Ang proyekto ay tinawag na “Vegetable Garden City”. Ito ay nasa 8,000 sq. meters sa football field ng simbahan.
Kaya naman, napakinabangan ito ng pamilya’t residente ng 17 barangay malapit sa simbahan. Dahil dito, nagkaroon pa ng hanapbuhay ang mga ito.
Sa panahon ngayon, kailangan ng puspusang paraan upang mapagkukunan ng pagkain. Ito nga ay ang pagtatanim.
Kaya naman, may balak din ang ilang siyudad na gumaw ng kagaya ng gayung farming.
Bukod sa may pagkain, ang sobra ay pwede pang maipagbili. Ayos di po ba? Kaya kung may bakanteng lote kayo, magtanim kayo ng gulay.
Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, tayo’y magtanim.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino