
Parusa sa magse-share ng “fake news at maayos na pagpapatupad ng mga batas ang ilan lamang sa mga ideyang inilahad ng mga pambato ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang matagumpay na malabanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa bansa.
Kung si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ay papalarin, pananagutin din niya ang mga magse-share ng fake news.
“Alam mo nang fake content minsan… ise-share mo lang ang reason mo ay ‘shinare ko lang naman ho. ‘It is your responsibility to check and double check,” saad niya. “Kailangan ho tayo may batas din doon pati ‘yong mga nagse-share-share na ‘yan sasabit din kasi parang kino-condone mo alam mo namang fake.”
Ayon sa resulsta ng isinagawang survey ng Social Weather Station nitong buwan lamang, anim sa bawat sampung Filipino ay naniniwalang seryosong problema ang fake news at nahihirapan silang tukuyin ito.
Ang survey, na iniutos ng Stratbase Group at inilabas nitong Miyerkules, ay nagpakita na 59 porsyento ng mga sumagot ang nagsabing ang fake news sa internet at social media platforms tulad ng Facebook, X (dating Twitter), at YouTube ay isang “seryosong” isyu.
More Stories
HOUSE PROSECUTORS HINILING SA SENADO NA MAGLABAS NG WRIT OF SUMMONS VS SARA DUTERTE
REGISTERED OWNER AT DRIVER NG DUMP TRUCK NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA EDSA BUS CAROUSEL SA QC IPINATATAWAG NG LTO
MAYOR BASTE, GRINGO HONASAN MAGHAHAIN NG PETISYON SA ICC PARA MAIBALIK SI FPRRD SA ‘PINAS