Puntirya ni Pinoy pug Mark ‘Magnifico’ Magsayo na maagaw ang title belt kay Gary Russell. Nakatakdang magharap ang dalawa sa Enero 22, 2022. Sila ang magiging main event ng ‘Showtime Championship Boxing’.
Si Russell ang kasalukuyang WBC Featherweight champion. Ayon pa kay Magsayo, pipilitin niyang mahablot ang belt upang mailagay ang pangalan niya sa limelight ng boxing.
May boxing record si ‘Magnifico’ na 23-0. Habang tangan naman ni Russell ang 30-1 record.Tsansa na rin aniya ito na makasungkit ng world title. Lalo na kapag tinalo niya ang 33-anyos na American boxing champ.
Pisil ng ilang boxing analyst, liyamado ang Pinoy challenger. Isa sa dahilan ay ang kagagaling lang niya sa knockout win sa huling laban.Nilikida nito noong August 21 si Julio Ceja.Samantalang si Russell naman ay natengga ng 10 buwan sa lona. Huli itong lumaban noong February 2020.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!