December 26, 2024

MAGSASAKA AT KANYANG PAMILYA, PINATAY NG MGA SUNDALO? (CHR magsasagawa ng imbestigasyon)

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) Region VI kaugnay sa pamamaslang sa magsasakang si Roly Fausto, kanyang asawa na si Emelda at dalawa nitong anak sa Negros Occidental.

Noong Hunyo 14, natagpuang patay si Roly malapit sa kanilang kubo, habang nadiskubre naman sa loob nito ang bangkay ng kanyang asawa at mga anak.

Si Roly at Emelda ay mga miyembro ng Baclayan, Bito, Cabagal Farmers and Farmworkers Association (BABICAFA).

“All possible angles will be pursued in the course of CHR’s independent investigation,” ayon sa ahensiya.

Ayon sa right groups na Karapatan, hinaras umano ang asawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ilang buwan ang nakalilipas bago ang pamamaslang.

Sa hiwalay na pangyayari, inusisa umano ng AFO sina Roly at Emelda at hinalughog ang kanilang bahay na walang awtorisasyon. Sinaktan umano si Rolly at pinaamin na siya ay miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sabi naman ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar sa CNN Philippine sa text message na wala pa silang natatanggap na report sa pagkakasangkot ng AFP sa umano’y harassment.

 “They (Karapatan) probably heard it from the NPA unit there,” saad ni Aguilar.

“We protect our people. That is our constitutional mandate,” dagdag nito.

Sinabi rin ni Aguilar na hindi pa nakipag-ugnayan ang CHR sa AFP hinggil sa imbestigasyon.

Hinimok naman ng Karapatan ang Kongreso na imbestigahan ang ksao ng pinaslang na pamilya Fausto.


 “While investigations on the murder of former Negros Oriental governor Roel Degamo are ongoing, numerous cases involving peasants and farmworkers in Negros are left unaddressed,” wika ni Karapatan secretary general Cristina Palabay.

“It is a pity that ordinary folks’ lives are seen as unimportant in the eyes of our legislators,” dagdag niya.