
Balak ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots na makabawi sa finals ng PBA Philippine Cup. Nakauna na ang TNT Tropang Giga sa best-of-seven series sa 88-70 sa Game 1.
Ayon kay Hotshots coach Chito Victolero, mahirap mabaon sa 0-2. Kaya, dapat ay makabawi sila sa Game 2.
” Si coach Chot, iba kasi tactics nyan. Veteran na ‘yan. Kaya mahirap kalaban. Yun ngang SMB, ang lakas, natalo pa. So, ang point dito ‘e adjustment lang,” aniya.
” Medyo dehado kami talaga. Pero, no excuses kahit may iniinada si Ian. Pati si Paul (Lee) meron din. I hope na maka-adjust kami,” dagdag pa nito.
Kaugnay dito, ibibigay naman ng ‘Angas ng Tondo’ ang lahat sa laro. Ito ay kahit may injury sa balikat.
“Hindi ko kasi ma-control. Minsan may masakit na part kasi pag inaangat ko,” ani Lee.
” Laban lang,” dagdag nito.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT