
Rumekta na sa finals ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots matapos likidahin ang Meralco Bolts. Tinapos na ng Hotshots ang Bolts sa Game 6 ng semifinals sa iskor na 93-85 (4-2).
Bumida si Ian Sangalang para sa Magnolia sa pagbuslo ng 19 points. Nag-ambag din ito ng 14 boards, 6 assists, 2 steals at 3 blocks. Bagamat olatsa fieldgoal si Paul Lee, pinunan naman ito ng kanyang teammates.
Hihintayin na lang ng Magnolia ang makakalaban nila sa PBA Philippine Cup. Ito ay kung sino ang mananalo sa series sa pagitan ng San Miguel at TNT Giga.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT