Nasakote ang mag live-in partner sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Binangonan MPS dakong alas-1:40 sa Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal.
Kabilang sa mga naaresto ay sina alyas Dagul at alyas Mumay, kapwa residente ng nasabing lugar.
Natimbog ang mga ito matapos magbenta ng hinihinalang shabu na may halagang P500 sa isang awtoridad na gumanap bilang poseur buyer.
Kabilang sa mga nakumpiska mula sa mga ito ay ang lima pang sachet ng hinihinalang shabu na nasa loob ng isang coin-purse na tinatayang nagkakahalaga ng 98,600 pesos.
Himas rehas ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 sa Binangonan MPS Custodial Facility. “Ang mga operasyon na isinasagawa ng Rizal PNP beinte-kwatro oras laban sa lahat ng uri ng kriminalidad ay parte lamang ng paghahanda para sa nalalapit na Barangay Election upang matiyak ang isang tahimik at mapayapang eleksyon 2023. Ito ay isang babala sa mga adik na sila ay walang puwang sa probinsya,” ayon kay Rizal Provincial Director, PCol. Rainerio de Chavez.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA