Naganap na! Hindi pinalad si Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe. Gayunman, mananatili tayong proud sa kanya.
Bilang mga Pilipino, sanay tayong tumanggap ng pagkatalo. Sa umpisa hindi. Kalaunan, mare-realize natin ito.
Batid nating ginawang lahat ng Ilongga beauty queen ang lahat ng makakaya. Masaya tayo nun nang napabilang siya sa Top 21.
Pero, nabigong mapasama sa Top 10. ‘E ang siste ba naman e malaki ang tsansa kapag napasama ang Philippines sa Top 10 at Top 8.
Marahil may pagkukulang at mali, sabi ng ilan. Pero, nandiyan na yan. Wala na sanang sisihan. Hindi naman laging suwerte ang bansa sa ganyan.
Mantakin nyong halos 100 bansa ang magtatagisan dyan. Sa natapos na dekada mu;a 2011-2019, nakasungkit ang bansa ng 2 titulo.
Ito ay sa katauhan nina Pia Wurtzbach noong 2015. Gayundin si Catriona Gray noong 2018.
Magsisilbi itong barometro sa iba upang pag-igihan pa ang susunod na patimpalak. Na manalo man o matalo ang kandidata, suportahan pa rin natin.
Ganyan ang diwa at tatak ng tunay na Pilipino. Proud pa rin tayo kay Rabiya Mateo.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo