November 6, 2024

‘MAGDASAL TAYO KAY LORD, YUN NA LANG’ – DELA ROSA (Sa pagbalewala ng China sa diplomatic protests ng ‘Pinas)

KAILANGAN na ang “divine intervention” sa pagtatanggol ng ating soberenya sa West Philippine Sea (WPS) dahil patuloy na binabalewala ng China ang diplomatic protest laban sa panghihimasok at pambubully nito sa ating teritoryo.

Reaksiyon ito ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na naging pulitiko matapos malaman ang illegal na pagdagsa ng barko ng China sa Julian Felipe Reef.

“Magdasal tayo kay Lord. Magdasal tayo na wag tayong pabayaan ni Lord. Yun na lang,”  ayon kay Dela Rosa a interview.

“Wala na ‘yang diplomatic protests na ‘yan hindi naman nakikinig ‘yung mga Chinese na ‘yan,” giit niya.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi maaaring simulan ng Pilipinas ang giyera laban sa China sa gitna nang patuloy na panghihimasok nito sa WPS.

“Ang hirap no? Ang hirap talaga. Hindi naman tayo pwede makipag giyera. So lahat ng diplomatic protest natin fell into deaf ears. Wala, hindi nila pinapakinggan,” aniya.

Naunan hinimok ni   Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros  ang Philippine government na kumilos hindi lamang Pagsasampa ng diplomatic protests habang patuloy na binabalewala tayo ng China.

Niton nakaraang linggo, iniulat ng  Philippine Coast Guard na mahigit 135 barko ng Chinese Maritime Militia  ang namantaan sa Julian Felipe Reef.

Nasa 75 nautical miles ang  Julian Felipe reef sa kanluran ng  Bataraza, Palawan, ayon sa PCG. Ikinokonsidera itong low tide elevation sa Kalayaan Island Group, na pag-aaari ng Pilipinas.

Noong Agosto, pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nagkokondena sa panghihimasok ng China sa  West Philippine Sea kabilang ang patuloy na harassment nito sa Filipino fishermen.

Hinikayat ng panukala ang gobyerno ng Pilipinas na kumilos upang igiit ang ating karapatang pang-soberenya sa ating exclusive economic zone (EEZ).

Tinalakay din ng Senado an isang hiwalay na resolusyon na inihain ni Hontiveros na humihiling sa   Department of Foreign Affairs (DFA) na idulog ang panghihimasok ng China sa  China ’s sa West Philippine Sea (WPS) sa United Nations General Assembly (UNGA).