November 2, 2024

MAG-UTOL NA TIANGCO NAGPASALAMAT KAY SEN. GO SA BINIGAY NA TULONG SA MGA NASUNUGAN SA NAVOTAS

MALUGOD na pinasalamtan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco si Senator Bong Go sa ibinigay niyang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa naturang lungsod.

Personal na binisita ni Senator Go para kamustahin ang kalagayan ng nasa 106 mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na sunog sa Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

Namigay si Sen. Go ng food packs, vitamins, face masks, pagkain, at 1 Box na naglalaman ng kanyang mga damit. May mga nakatanggap ng mga bisikleta, tablets, sapatos, at mga bolang panlaro ang pinamigay.

Hinikayat din ni Go ang mga kabataan na lumayo sa anumang bisyo at sa halip ay mas maging aktibo na lamang sa sports kung kaya’t binigyan niya ang mga ito ng bola para sa larong basketball at volleyball.

Aniya, dama niya ang hirap ng masunugan ng bahay at mawalan ng mga gamit kaya hindi siya nag-aatubiling umaksyon agad upang maghatid ng tulong. Dalangin niya na makaahon kaagad at makabalik sa normal nilang pamumuhay ang mga naapektuhan ng sunog.

Sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng Senator sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nabigyan ng tulong pinansyal ang mga nasunugan.

Katuwang din ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at National Housing Authority (NHA), nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng mga gamot at nabigyan ng kaalaman tungkol sa mga programang maaari nilang makuha mula sa nabanggit na mga ahensya.

“Taos puso po kaming nagpapasalamat ni Cong. John Rey kay Senator Bong Go sa ibinigay niyang tulong sa 106 mga pamilyang naapektuhan ng sunog. Malaki itong tulong para muling makapagsimula ang ating mga kababayang nasunugan,” pahayag ni Mayor Tiangco.