November 3, 2024

Mag-ready na po at baka mag lockdown na naman… na naman? Aguy!

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguta. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Talakayin natin itong pinangangambahan na COVID-19 variant. Kagaya noong nakaraang taon, buwan ng Enero rin naitala ang unang kaso ng Coronavirus sa bansa.

Ngayong 2021 naman, gayun din. Kaso, UK variant naman. Isang kelot na taga-Quezon City ang tinamaan. Ang lalaki ay galing Dubai.

Pati mga kasamahan nito sa eroplano ay tinarget din para sa isailalim sa quarantine. Baka nga naman kasi kumalat ang bagong strain ng virus.

As usual,baka kumalat na naman. Ang siste, may ilang pook sa bansa ang isinailalim ang kanilang lugar sa ECQ.

Parang tunog ng brand ng isang diapher, he-he-he. Aba’y kapag nagkataon, lagot na naman tayo.

Lockdown na naman! Wakanga. O baka nag-over acting lang ang iba sa totoong sitwasyon. Lalo na ang ilang media. ‘Yung mainstream.

Anak ng kamatis na panis, parang katapusan na ng mundo kung magbalita. Ang focus sa COVID-19 ay yung total cases. Hindi yung active. Pagsama-samahin ba naman ang laghat ng kaso, natural dadami talaga bawat araw.

Ultimo sinat itik dahil sa lamig ng panahon, hayun, COVID na. Tsk!

Gayunman, yung huling balita, wala nang sintomas ng virus ng UK COVID-19 variant yung kelot. Magandang balita.

‘E sana lang, hindi grabe o hindi magpositibo ang 100 pasaherong kasabay nito sa eroplano. Para hindi na sumipa itong ECQ na naman.

Pati ang 214 kataong nakasalamuha nito ay minomonitor din. Hindi masamang mag-ingat, di po ba?

Saka sumunod sa health protocol. Pero, kung OA ang iba, aba’y lagot na.

Pero, kung di maiiwasan ang pagpalo na naman ng bagong strain ng virus, aba’y brace yourselves na lang sa panibagong lockdown. Are you ready folks?

Habang maaga pa, bili na naman uli ng anik-anik gaya ng alcohol, face mask, pagkain at iba pa.