Arestado ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, at Mary Anne Magno, alyas “Tadel”, 47, sa buy-bust operation sa kanilang bahay sa Area 4 Pinalagad , Brgy. Malinta, Valenzuela City. Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000, buy bust money, P1000, at pouch. (RIC ROLDAN)
TIMBOG ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operartion ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, at Mary Anne Magno, alyas “Tadel”, 47, kapwa ng Area 4 Pinalagad , Brgy. Malinta.
Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, nang buy bust operation sa bahay ng mga suspek.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00, buy bust money, P1000, at pouch.
Ayon sa pulisya, dati nang naaresto ang mga suspek dahil din sa illegal na droga kung kaya muli na namang mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON