January 24, 2025

MAG-INGAT SA LOVE SCAM – BI

MAYNILA— Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa online scammer na nambibiktima ng mga Pinoy sa pamamagitan ng love scam.

Inulit ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga naunang babala laban sa isang sindikato na umaabuso sa kahinaan ng mga Filipinong naghahanap ng biracial relationship.

“With the re-opening of our borders to foreign tourists comes the return of the love scam,” saad ni Morente.


Ayon kay Morente, madalas na nakilala ng mga walang kamalay-malay na biktima ang mga miyembro ng sindikato sa online. Liligawan sila ng mga ito, pangangakuan na dadalhin sa ibang bansa at pakakasalan. Pagkatapos ay sasabihin ng pekeng dayuhan na lilipad sila patungo sa Pilipinas upang makipagkita at pasakasalan ang biktima.

“Upon the scammer’s supposed arrival in the Philippines, he will claim that he is being held by immigration authorities, or sometimes by other government agencies,” ayon kay Morente.  “The scammer then will dupe his victim in depositing large sums of money in exchange for his freedom,” dagdag niya.

Nanggaling ang babala nang makatanggap ng report ang BI ng isang request mula sa isang biktima noong nakaraang Miyerkoles, na dinakip umano ng mga opisyales ang kanyang partner sa Davao international airport.

Ipinakita ng biktima ang screenshot ng kanilang pag-uusap ng isang lalaki na nagpanggap bilang si Morente, na nanghihingi ng kabayaran kapalit ng kalayaan ng kanyang pseudo-partner. Palalabasin ng scammer na siya ay hinarang sa immigration counter dahil sa pagdadala ng bulto-bulto na pera na nakalagay sa kanyang bag.

“This scammer had the audacity to use my name for his scheme.  It is not within our jurisdiction to check bags of arriving passengers.  We are concerned with the person and their documents, and not his luggage,” paglilinaw ni Morente.  “Upon checking, no such foreign national arrived in Davao,” dagdag niya.

Nagbabala si Morente sa mga Filipino na maging maingat sa mga dayuhan na nakilala lamang nila sa online at palaging i-verify ang pagkakilanlan ng mga nakakasalamuha nila.  “Do not be fall prey to these swindlers and fraudsters that will promise you heaven and earth, only to be duped of your hard-earned money,”  babala niya.