NAKADUGAS si Yordenis Ugas ng Cuba sa puntos kontra Pambansang Kamao Manny Pacquiao upang mapanatili ng una ang belt nito sa WBA welterweight sa Mobile Arena sa lupain ng mga sugarol sa Las Vegas, Nevada USA
Sinamantala ng Cubanong-Americano ang bentahe nito sa haba ng kamay at tangkad upang mapigilan ang estilong ‘raging bull’ ng Pinoy boxing icon na hinaluan pa ng gulang at dumi ng laro pabor sa madugas na Latinong boksingero.
Bagama’t nasa kondisyon si Pacman, hindi nito naparamdam ng husto ang bangis ng kanyang kamao dahil natutukuran siya ng mahabang kamay ng Egoy na sumandig lang sa jab-jab upang makapuntos.
Hindi rin nakapag-adjust agad ng ensayo ang fighting Senator nang umatras ang orihinal nitong kalabang si Errol Spence at naging kapalit ang inatrasan din ng kalabang di gaanong kilalang si Ugas na isang dating Olympic medalist boxer.
Epektibo ang talento ng Cubano na taktika ng mga Olympians na puntusan lamang habang halata naman ang pagbagal ni Pacman na di makalusob sa teritoryo ng kalaban.
Lumabas ang pagkaungas ni Ugas sa kalagitnaan ng laban kung saan ay ipinakita niyang kaya niya ang powerpunches ng Pinoy 8-world division champion na hinaluan pa ng dirty tactics at trash talking.
Ang mga walang kuwentang jabs ng ungas na kalaban ni Pacquiao ang nag-build-up ng kalamangan sa puntos na ‘di na nakaya pang habulin ng tatakbong Pangulo ng Pilipinas.
Natapos ang long-distance fight sa scorecards pabor sa nagbubunyi pero binu-boooh na si Ugas upang maging lehitimong kaniya ang inisnats na WBA welterweight belt.
Walang natulog na boksingero sa nakakaantok na labang ‘di sanay si Pacman.
Ungos ang ungas na si Ugas. Naisahan si Pacman ng isang kaistilo ni Floyd Mayweather-the moneyman na takot sa suguran.
Mabuti na rin at hindi napuruhan si Pacman. Pag-uwi niya rito sa ‘Pinas ay kanya namang tatapusin ang nabiting laban sa pulitika. Itutuloy ba niya ang kanyang mga expose kontra administrasyon o Magu-UGAS kamay ito sa dating kasanggang Pangulo ng bansa?.. ABANGAN!!
Lowcut: Congratulations sa mga bagong resipiyente ng prestihiyosong Dr.Chito Collantes( founder M24B1024) Excellence Award ( Academic and Sports) na sina Yumi Manas, Jimboy Sarcilla, Denisse Kyut dela Cruz, Hughnixie Cacayan Paccarangan, Joanna Dulva, Kiara David at Atasha Simon. Mabuhay ang M-24 Maharlika Builders of Guardians Canada/USA/ Philippines at mga sponsors.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE