
MARAMI ang naiinis kay TV host Willie Revillame, sa ginawa nito sa Prayer Rally na ginanap sa Cebu kamakailan.
“Grabe si Kuya Will, nagmukhang nasa studio ng ‘Wowowin’ ang dating ng ‘Prayer Rally,’ dahil nagmando ito at tinuruan lahat ang sabi niya ‘sabi ko iyong ilaw patayin, walisin mo ito, doon nga kayo at’di kayo nakikinig sa akin.
“Hoy ikaw babae, namali ako ng ano sabi sa ‘yo. Umalis ka diyan, may bracelet ka pa.’ Mainit ang ulo ni Kuya Will. Tapos ipinahiya pa niya iyong lightsmen, nakakahiyang talaga kasi Prayer Rally ginawang noontime show.
Sa ginanap na Prayer Rally naman na iyon sa Davao naman huling buwan ng Enero, nagpahayag si Kuya Will na tatakbo siya bilang senador, pero sa ginawa naman niya sa Cebu iboto o suportahan pa kaya siya ng mga tao?” iritadang pahayag ng aking source.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM