May 20, 2024

Dahil mataba ang dating… KC CONCEPCION, PREGGY NGA BA?

KUNG totoong buntis si KC Concepcion, anong masama doon? Nasa right age na siya, kung hindi ako nagkakamali ay 37 years old na si KC.

“May boyfriend si KC Concepcion ang pangalan nito ay Mike Wuthrich na isang Filipino-Swiss na diumano’y may ex-Filipina wife at strong naman ang kanilang relasyon bilang mag jowa.

“Kung malaki ang tiyan niya at buntis nga siya, pwede namang isunod ang kasal. Medyo chubby lang ho si KC, kaya malaki ang tiyan at mukhang hindi naman ito buntis.” Nakangiting pahayag ng aking source.