May 18, 2024

Madlang pipol magbubunyi… CRISTY FERMIN, DAHIL SA PANINIRA KAY DOMINIC ROQUE MAKUKULONG NGA BA?

TULOY ang laban, dahil hindi na takot si Cristy Fermin, kahit idemanda pa siya ni Dominic Roque. Kaso 3 kaso ang kakaharapin ni Cristy, at marami ang nagsasabi na sure kulong ang Lola Cristy ninyo.


“Inaayos na ng kampo ni Dominic Roque, kung ano ang nararapat. Sobra na kasi iyong ginawa ni Cristy, kaya dapat lang na ang Attorney na ni Dominic ang siyang umaksyon sa mga banat niya sa actor.


“Hindi lang naman iyong pagsasabi ng name, totoong wala siyang minensiyon. Pero ang daming butas na magpapatunay na sablay siya, gaya na lamang ng may ari ng condo pero sinabi niya na politiko at lalake ang nagbigay nito kay Dominic.

“Nakita n’yo naman reaction ng madlang pipol, mukhang magbubunyi sila kapag nakulong si Cristy Fermin. Marami ang galit sa kanya, dahil sobra iyong ginawa niya kay Dominic Roque,” nakangiting kwento ng aking source.