May 18, 2024

MADAM AURING PUMANAW NA SA EDAD NA 80

PUMANAW na ang celebrity fortune teller na Aurea Erfelo o mas kilala bilang Madam Auring sa edad na 80.

Ito ang kinumpirma ng kanyang apo na si Simon Pecson, na siyang nag-post ng photosa Facebook habang kumakain kasama ang pamilya ngayong Biyernes, Oktubre 30.

“[Rest in Peace] my Lola,” sa post ni Pecson.

Grabe ang pinagdaanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family,”  dagdag niya.

Pagtatapos ng kanyang post: “You shall always be in our hearts. Love you.”

Nakilala si Madam Auring bilang fortune teller matapos niyang mahulaan ang pagkapanalo ni Spanish beauty queen Amparo Muñoz noong 1974 Miss Universe pageant.

Nahulaan niya rin ang pagkapanalo ng boksingero na si Muhammad Ali laban kay Joe Frazier sa“Thrilla in Manila” fight noong 1975.

Ilan pa sa kanyang natupad na prediksyon ang pagkapanalo ni Fidel V. Ramos, ang full term ni dating president Gloria Macapagal Arroyo, at ang breakup ni dating president Noynoy Aquino at girlfriend na si Shalani Soledad.