January 19, 2025

MABUNGANG KAMPANYA NG TEAM PHILIPPINES NAGBABADYA SA SEAG CAMBODIA

Ph SEAGames CDM Chito Loyzaga

SA kabila ng maraming  kakulangan sa aspeto ng technical at kahandaan sa mga programa ng hosting ng Cambodia, tiwala si Chief of Mission ng Philippine delegation sa 32nd Southeast Asian Games na plantsado ang lahat para sa maayos na biyahe, pagdating at partisipasyon ng Team Philippines sa biennial meet sa Mayo 6-17.

“All preparations are in place. Aside sa malillit na problema lalo na mga technical handbook which is understandable dahil first time ng Cambodia mag-host ng SEA Games, maayos na ang lahat. E laressy submitted the entry by numbers, then the entry by names deadline is on Saturday  (March 11). Hopefully, makumpleto natin ang lahat, although may ilang mga sports association like swimming na may internal dispute ang katatapos pa lang ng tryouts,” pahayag ni Loyzaga, pangulo rin ng baseball federation sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

“With close coordination with the Philippine Sports Commission, yung mga allowances, mga request naming for training and competition uniforms, approved na. Sa

“Sa hosting naman, actually, halos lahat ng member country, naguguluhan dahil maaming pagbabago but we have to understand the fact nab agito ang Cambodia sa hosting, but as we goon on naayos naman. Yung mga hinihinge naming lalona sa wi-fi sa athletes village para sa communication naibigay naman nila,” ayon kay Loyzaga sa linnguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.

Mahigit sa 1,300 ang kabuuang miyembro ng Team Philippines batay sa entry by number na isinumite ng Philippine Olympic Committee (POC), ngunit iginiit ni Loyzaga na mababago ito bunsod nang mga naganap na pagbabago sa dami ng events na ibinigay ng host sa bawat sports, gayundin ang pagbusara sa ilang events na nilaro sa Vietnam sa nakalipas na taon.

Bunsod nito, sinabi ni Loyzaga na iginiit ng POC sa mga sports association na punan ang lahat ng slots na naibigay ng organizers upang masiguro na may tsansa ang bansa sa medalya.

“May rules sa isang sports na sa 10 events yung ibang bansa kailangan sa lima o pitong events lang puwede sumali so lamang na agad ang host. Kaya naging battlecry naming sa POC na mapunan as much as possible yung mga available na event para sa ating mga atleta.

“Actually, kami sa POC hindi na nag-imposed ng criteria, hinayaan na naming angmga NSA na sila ang pumili ng mga best at deserving athletes nila. Open nila yung mga tryouts para makasali ang lahat at mapili ang karapat-dapat para sa SEAG,” ayon kay Loyzaga.

Tumangging magbigay ng prediksyon si Loyzaga sa magiging katayuan ng Team Philippines sa medal tally, ngunit aniya, ang matularan ang naging performance sa Vietnam edition ay isang malaking tagumpay sa delegasyon. “Maraming sports ang nawala sa atin, may mga bagong sports na halos hindi naman natin nalalaro malaki ang impact nito. But hopefully, yung performance natin sa Vietnam kung magawa uli natin malaking bagay na yun.