November 24, 2024

MABABANG SAHOD, DELAY NA BENEPISYO SA MGA GURO TUGUNAN – ACT

NAGSAGAWA ng press conference ngayong araw ang Alliance of Concerned Teachers sa isang restaurant sa Quezon City upang manawagan sa gobyerno na tugunan ang mababang sahod at delay na benepisyo ng mga guro sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin. (ART TORRES)

Nagsagawa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng isang press conference ngayong araw upang ipnawagan sa gobyernong Marcos na tugunan ngayong taon ang labor issues na pasakit sa mga guro at nakaaapekto sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa kabataang Filipino.

Ayon sa grupo matindi ang nararanasan na hirap ng mga guro at kanilang pamilya dulot ng mababang sahod at kakarampot at delay na benepisyo sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Gayunpaman, habang isinusulong nila ang kanilang economic rights ay patuloy silang pinahihirapan na sa halip na tugunan ang kanilang kalagayan.

Layon nila na iharap sa ILO-HLMT ang napakaraming pag-atake ng estado laban sa ACT at mga guro mula sa gobyernong Duterte hanggang sa kasalukuyan – tulad ng nationwide police profiling, harassment at pananakot laban sa kanilang mga lider, talamak na red-tagging, pagdukot at mga gawa-gawang kaso.

“We hope that the ILO will hold a thorough investigation of our cases as we stand to defend our right to unionize, this being our only weapon to assert our rights to decent salaries, good benefits, and humane working conditions,” ayon sa ACT.