November 19, 2024

Maangas pinagsasaksak

NASA kritikal na kalagayan ang isang lalaki na kilala umano sa pagiging maangas matapos paluin sa ulo ng baril at saksakin sa tiyan ng tatlong suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Si Carl David Sabe, 24 ng Phase 4 Guzon Compound, Brgy. Tonsuya ay isinugod sa Diosdado Macapagal Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng tinamong saksak sa tiyan.

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Ernie Baroy, kinilala ng isang saksi na hindi nagpabanggit ng pangalan ang mga suspek na si Jayson Cabanilla, 31, Rochelle Jimenez, kapwa ng Ligaya St Brgy. Tugatog at isa pang hindi kilalang lalaki.

Lumabas sa imbestigasyon, alas-7:10 ng gabi, sakay si Sabe at saksi sa kani-kanilang motorsiklo na nakaparada sa Ligaya St., Brgy. Tugatog nang mula sa likod sumulpot si Jimenez at hinawakan ang biktima habang ang hindi kilalang suspek na armado ng baril ay hinataw naman siya ng baril sa ulo.

Hindi pa nakuntino, sinaksak din Cabanilla sa tiyan ang biktima bago mabilis na nagtikas ang mga ito sa hindi matukoy na direksyon.

“Pinagtripan daw yan ng mga suspek dahil masyadong maangas,” ayon kay Sgt. Germinal habang ipinag-utos na ni city police chief P/Col. Jessie Tamayao ang manhunt operation kontra sa mga suspek.

(JUVY LUCERO)