MALAKI ang naging-ambag ni Lyann de Guzman para padapain ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang Adamsom University Lady Falcons, 25-13, 25-17, 25-21, sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtala si De Guzman ng 14 puntos para sa kanyang posibleng huling laro sa Blue Eagles, na natapos ang season sa ikalimang puwesto na may limang panalo at siyam na talo.
“Actually, I’m still deciding pa, but let’s see,” ani ni De Guzman kaugnay kung maglalaro pa siya sa Blue Eagles.
Bagama’t kinapos na makapasok sa Final Four, masaya pa rin si Blue Eagles head coach Sergio Veloso sa kanilang performance dahil nag-improve sila mula sa sixth-place finish noong Season 85. “I’m so happy because this is our last match, and the team played very well,” Veloso said. “We cannot progress further, but we maintained our position in fifth place, which is better than last year.”
Ito na rin ang huling pagkakataon na isusuot ni captain-libero Roma Mae Doromal ang blue at white jersey ng Ateneo, habang huling laro na rin nina Lucille Almonte at Karen Verdeflor sa Adamson.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO