ARESTADO ang isang 21-anyos na lalaki sa Barangay Lahug, Cebu City dahil sa pagnanakaw ng P10,000 halaga ng barya mula sa isang “piso net” internet café.
Kinilala ang suspek na si Gabriel, na nadakip pasado alas-5:00 ng gabi. Habang nangyari ang pagnanakaw ng alas-4:00 am ng araw ding iyon.
Ayon sa pulisya, inamin ni Gabriel ang krimen pero ibinunyag na wala na sa kanya ang pera. Pinagpartehan na umano nila ito ng kanyang mga kaibigan para ipangtaya sa isang online casino game na “Scatter.”
Nagsisi na rin ang suspek sa kanyang nagawa na naglagay sa kanya sa ganoong sitwasyon.
Nahaharap ngayon si Gabriel sa kasong theft at hinimok ng mga awtoridad ang mga internet café operator na paigtingin ang kanilang seguridad upang hindi na muling maulit ang ganitong mga pangyayari.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL