Bumida si Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa panalo ng Slovenia sa Olympic Qualifying tournament. Nilapa ng Slovenia ang Lithuania sa iskor na 96-85. Kung kaya, papalaot ang Slovenia sa Tokyo Olympics.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na sasalang ang bansa sa quadrennial meet. Bumira si Doncic ng 31 points, 11 boards at 13 assists. Siya rin ang naging MVP sa Kaunas tournament.
“I don’t care about the MVP.We won here. We’re going to the Olympics, the first time in our country,” ani Doncic.
“It’s amazing. I think every kid dreams about being in the Olympics. I did, too. So, here we are. We fought really, really hard and I think we deserve to be here,” aniya.
Tabla ang laban ng dalawa sa 52-all sa halftime. Ngunit, kumana ang Slovenia ng 11-2 run. Nakalapit ang Lithuania sa 71-69. Pero, muling umigkas ang Slovenia sa 14-0 run sa pangunguna ni Doncic.
“We’re making history for our country.We can just go up from here,” masayang sabi ni Doncic.
Rerekta ang Slovenia sa Group C sa Tokyo Olympics. Makatatapat nito ang Argentina sa July 26, Japan sa July 29. Ang reigning world champion naman na Spain ay makalalaro nila sa August 1.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2