MARAMI pa naman ang umaasa sa dalawang comedy bars na ito na pag-aari ni Allan K.
Ito nga iyong Klownz na nasa Quezon Avenue at Zirkoh sa Tomas Morato Avenue sa may Kyusi na nalugi kaya isinara.
Pinulong ni Allan ang lahat nang kanyang empleyado at ang kanyang general manager na si Lito Alejandria upang ipabatid sa kanilang lahat ang malaking problema na kanilang hinaharap dahil sa unti-unting pagka lugi ng kanyang comedy bar.
Iyong iba naman na kanyang mga tauhan, ay pinadalhan niya ng kanyang sulat na kanyang ipinababatid na magsasara na nga ang kanyang dalawang comedy bars.
Narito ang nakasaad sa kanyang sulat na epektibo ang pagsasara ng dalawang establishments niya nitong nakaraang June 29, 2020.
“We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 pandemic in the Philippines.
“And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.”
Walang magawa si Allan K., naging praktikal lamang siya sa kanyang mga naging desisyon. Dahil sa dulot ng pandemic, halos lahat naman ay naapektuhan. Pati ang kanilang mga negosyo ay tuluyan ngang nalugi hanggang sa umabot na ito sa pagsasara.
“Ang tanging maitutulong ko lang ay bayaran ang kanilang mga unpaid salary, makakatanggap din sila ng kanilang 13th month pay at cash assistance mula sa kompanya. Matagal din ang aming pinagsamahan, masakit pero ganoon talaga. Sana matapos na itong pandemic na ito, upang makapagpatuloy na ang lahat,” pagtatapos pa ni Allan K.
More Stories
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest