PINURI ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang Land Transportation Office (LTO) para sa kautusan nito na dapat sumailalim sa 15-hours theoretical session sa lahat ng nagnanais kumuha ng student permit.
Nagpahayag ng suporta si Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sa ginawang hakbang ng LTO upang magkaroon ng disiplina at driving skills ang mga bagong driver kung saan maraming buhay ang maaring mailigtas sa mga lansangan.
Noong Marso, pinamunuan ng naturang senador ang isang pagdinig sa ilalim ng kanyang komite, upang imbestigahan ang mga kaso ng road accident na kinasasangkutan ng mga lasing at nakadroga na driver matapos ang nangyaring aksidente sa Poblacion, Makati na ikinamatay ni Jules Villapando,13-anyos, Grade 8 student, habang sugatan naman ang pitong iba pang estudyante.
“We support this laudable effort by the LTO requiring student permit applicants to undergo a 15-hour theoretical session,” pahayag ni Dela Rosa.
“This will instill discipline and ensure that our drivers are well educated on road signs and regulations. Mas magiging ligtas ang ating mga kalsada at makakapag-save tayo ng napakahalagang buhay ng pedestrians at maging ng drivers mismo,” dagdag pa niya.
Kasunod ng pag-iimbestiga sa komite ng senado na pinamumunuan ni Dela Rosa, napag-alaman nila na walang pangil ang batas laban sa mga nakainom at nakadrogang mga driver.
“It is very disturbing that almost on a daily basis, there are still reports of vehicular mishaps that claim lives and inflict critical injuries to bystanders and passengers damaging several other vehicles and properties along the site of the accidents. Worse, some of which are still due to drug use of specific people who are mandated by law to exercise extraordinary diligence,” ayon kay Dela Rosa.
Itinutulak din ni Dela Rosa ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao. Sinabi na malaking tulong ang pagpapatupad ng Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 upang maiwasan ang iba’t ibang aksidente sa kalsada gawa ng mga nakainom at/o ng mga nakadrogang mga driver.
Isa rin sa inirerekomenda ng komite ni Dela Rosa na isama ang road safety at driver’s education sa K to 12 Curriculum upang magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan sa masamang epekto ng pag-inom at pagdodroga habang nagmamaneho.
Nitong kamakailan lang, ay sinuspinde ng LTO ang pagkuha ng student permit bilang paghahanda ng ahensiya sa ipatutupad na mandatory theoretical driving course na requirement para sa mga aplikante na magsisimula sa Agosto ngayong taon.
Ang mga papasa sa 15-hour theoretical driving course ay makatatanggap ng sertipikasyon ng driving course completion, kung saan awtomatikong ipapasa sa LTO ng driving course center.
Ang 15-hour theoretical driving course ay hahatiin sa tatlong sesyon, kasama rito ang Introduction to Driving at Traffic Rules at Land Transportation Related Special Laws kung saan tatalakayin ang 13 traffic law. Kada sesyon ay bibigyan ng tig-lilimang oras.
Mula Setyembre noong nakaraang taon, ipinaalam na ng LTO sa publiko itong bagong 15-hour lecture sa mga batas at driving regulation sa bansa bilang bagong requirement para sa mga new drivers.
Ang naturang hakbang ay bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Duterte upang mabawasan ang mga walang aral at hindi disiplinadong mga driver sa lansangan.
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI