PUMALAG si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa plano ng Land Transportation Office (LTO) na parusahan ang mga may-ari ng sasakyan kung hindi nila agad makukuha ang plaka ng kanilang sasakyan.
“Mag hunos-dili sana ang LTO. Kay tagal hinintay ng mga motorista ang matagal ng bayad at pinakaaasam na mga plaka,” sabi ni Recto.
“Kaya konsidersyon ang dapat isukli at hindi ang pananakot na kung hindi agad makuha, may parusa na dagdag singil na naghihintay,” he added. “Kung hindi nainip ang mga motorista sa mahabang lamay, bakit mag-de-demand ng ora-oradang pagtubos ang LTO na tila ba wala silang kasalanan sa pagkakaburo ng mga plaka?”
Marami sa mga sasakyan ang naibenta na ng mga may-ari na hindi pa nakukuha ang kanilang plaka dahil inihain ang aplikasyon nito may isang dekada na ang nakakaraan.
“Kung tutuusin nga, LTO ang dapat magbigay ng interes bilang danyos perwisyo sa pagkabimbin ng isang mahalagang katibayan ng pag-a-ari ng isang behikulo,” wika ni Recto.
Dahil dito, panawagan ni Recto sa LTO na ibasura o huwag ituloy ang naturang plano.
“In the first place, the backlog is still big, and such move, it seems, is calculated to give the impression that car plates are a-plenty, when what is available barely scratches the surface of the shortage. Blame cannot be transferred to motorists,” dagdag ni Recto.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA