Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa motorcycle rider na sumaksak ng gulong ng isang puting delivery ban sa nangyaring road rage incident na nakuhanan ng video na ngayon ay viral na sa social media.
Ayon sa LTO, nakilala ang rider sa pamamagitan ng plaka ng motorsiklo na nakita sa video.
Sa viral video, kitang nakikipagtalo ang motorcycle rider sa driver ng isang puting delivery van sa kahabaan ng East Avenue sa Quezon City, bago ito kumuha ng maliit na kutsilyo at tinusok ang gulong sa harapan ng sasakyan.
Agad na tumakas ang rider at iniwan ang puting delivery van na flat ang gulong.
Binigyan nag motorcycle owner ng hanggang Marso 25 na magpakita sa LTO Central Office sa Quezon City upang malaman kung siya ang rider na nasa video at upang ipaliwanag ang kanyang nagawa.
“Due to the gravity/severity of the acts of the rider, please be informed that the motorcycle with plate number (x x x ) will be temporarily placed under alarm preventing any and all transactions while the case is under investigation,” mababasa sa SCO.
Samantala, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na magsilbing paalala sa lahat ng motorista ang nangyaring insidente na huwag magsangkot sa karahasan na bunga ng road rage.
Marami na tayong naparusahan dahil sa road rage at muli ay pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan motorista na iwasan ito dahil kayo din ang malalagay sa alanganin,” ayon kay Mendoza.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA