November 2, 2024

LOS ANGELES LAKERS, TAMA BA SA PAGSIBAK KAY VOGEL AT PLANONG PAGBALASA NG LINE-UP?

Frustrated ang Los Angeles Lakers sa kinahinatnan ng team ngayong season. Ang inaasahan ng mga analyst na aalagwa ito, aba’y lagapak. Isa itong nakakadismayang season ayon sa mga fans.
Sa kabila anila na loaded sa mga star players ang Lakers, hindi nito magawang makapasok sa playoffs. Katunayan, bagsak sila sa 33-49 win-loss at nagtapos sa 11th seed. Kung kaya, sisihan dito, sisihan doon.


Dahil sa frustration, sinibak ng team si Frank Vogel bilang coach. Banat ng fans, mahilig itong gumamit ng small ball. Kaya, nilalamon sa depensa ang Lakers. Nagkamali aniya si Vogel ng pagbalasa ng mga tao.


May sentro ito sa katauhan ni Dwight Howard at De Andre Jordan. Pero, di ginagamit ng husto.
Isa pa sa nakakadismaya sa team ay ang injuries. Hindi nakalaro si Kendrick Nunn. Si Anthony Davis naman ay halos kalahatian lang ang nilaro sa season. Habang si LeBron James ay tila pinanghinaan ng loob.


Hindi rin gumana ang mga beterano na dapat sanay makatutulong sa team. Ito ay sa katauhan ni Carmelo Anthony at Trevor Ariza. Pawang matatanda na ang iba sa kanila na lagpas sa 30 ang edad. Kaya, malamya ang depensa.


Sa ganang akin, nagkamali ng pamamalakad ang Lakers. Papaanong aasenso ang team kung bubuwagin mo ang core at sisibakin ang coach? Bakit hindi hayaang bumangon sila sa ganang kanila. Ituwid ang pagkakamali at pagkukulang.


Masakit isipin na ginawa ni Vogel ang lahat. Tapos, iitsapuwera lang siya. Sabihin na nating may mali siya. Ngunit, may mali rin ang players. Higit sa lahat, ang sistema ni Rob Pelinka.


Team effort ang basketball. Dapat siguro’y maisip din ito ni LeBron. Kung gusto niya na makapag-champion pa ng 2-3 beses. Kinakailangang niyang pagtiwalaan ang mga kampi niya. Gabayan sila at gayahin niya si Magic Johnson. Gayahin niya si Michael Jordan.


Iwasan ang ball hog ng matagal. Paikutin ang bola at palakasin ang loob ng kakampi. Huwag sisihin kapag pumalpak. Manguna siya sa pagiging masipag at matatag na fighting spirit. Kapag nagawa niya ito, gagaling ang mga kampi niya.