
Nakaresbak ang Los Angeles Lakers mula sa pagkatalo sa laro kagabi. Sa kanilang pagdayo sa Indianapolis, sinibak ng Lakers ang Indiana Pacers, 124-116 sa overtime.
Galing mula sa one-game suspencion, bumida si LeBron James sa LA. Bumira si LeBron ng 39 points, 5 boards at 6 assists. Umalalay naman si Russell Westbrook ng 20 points at 7 boards. Humataw naman si Malink Monk ng 17 points at 8 rebounds.
Hindi naman nakalaro si Anthony Davis dahil sa nagkaroon ito ng sakit. Sa iba pang laro sa liga ngayong araw, pinilay ng Houston Rockets ang Chicago Bulls, 118-113.
Diniskaril naman ng Milwaukee Bucks and Detroit Pistons, 114-93. Kinunyatan naman ng Brooklyn Nets ang Boston Celtics, 123-104. Sinunog naman ng Phoenix Suns ang Cleveland Cavaliers, 120-115. Pinamaga naman ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 106-99.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND