
Muling pinasabog ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets sa iskor na 119-117. Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng tropa ni LeBron sa head-to-head match nila sa Rockets.
May nalalabi pang 2 laro sa kanilang duwelo sa Western Conference na idaraos naman sa Houston.
Nanguna sa panalo ng Lakers ang ‘ Big 3’ na mayroong 84 points combination. Umiskor si LeBron James ng 30 points, 10 assists at 4 boards. Si Russell Westbrook naman ay kumana ng 27 points, 9 boards at 7 assists.
Habang si Anthony Davis ay bumira ng 27 points, 9 boards, 3 blk at 3 ast. Nagposte naman si Carmelo Anthony ng 15 points at 2 rebounds.
Sa panig naman ng Houston, kumana ng 24 points ang Fil-Am na si Jalen Green. Gayundin ng 5 assists at 2 boards.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT