Naglista na naman ng impresibong panalo ang Los Angeles Lakers kontra sa Minnesota Timberwolves, 127-91.
Kaya naman, parang di ramdam ng defending champions ang absence ni Anthony Davis. Nagpapagaling kasi ito sa calf contusion.
Hindi rin naglaro ang big man ng Timberwolves na si Karl- Anthony Towns dahil sa dislocated left wrist.
Nanguna sa panalo ng Lakers si Kyle Kuzma. Nagtala si Kuzma ng 20 points, 3 boards, 3 assists at 3 blocks.Naglista naman si LeBron James ng 18 points, 9 boards at 5 assists.
Samantala, naitakas ng Golden State Warriors ang intense game laban sa Chicago Bulls, 129-128.
Bumida sa panalo ng Warriors si Stephen Curry na bumuslo ng 36 points. Kung saan, ang 25 points dito ay mula sa 5 three-pointers.
Kumana rin si Curry ng 6 assists, 2 steals at 2 blocks. Sa panig naman ng Bulls, gumawa si Zach LaVine ng 33 points.Nagtala rin ito ng 7 boards, 3 assists, 2 steals at 2 blocks.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT