Muling nanaig ang Los Angeles Lakers sa Miami Heat sa Game 4 ng NBA finals. Nilunod ng Lakers ang Heat, 102-96 at itinarak ang 3-1 lead sa series.
Isang panalo na lang at masusungkit na ng Lakers ang ika-17 championship title ng franchise sa kasaysayan.
Nanguna sa panalo ng Lakers si LeBron James 28 points, 12 boards at 8 assists. Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 22 points, 9 boards at 9 assists.
Umasiste naman si Kentavious Caldwell-Pope ng 15 Pts, 3 boards at 5 assists.
“When I woke up from my nap this morning after our team meeting, I just felt that,” ani James.
“I felt that vibe. I felt that pressure. I felt like for me personally this was one of the biggest games of my career.”
“I just wanted to relay that message, the type of zone I was in, the type of moment it was, and the kind of team we were playing against.”
Naging dikit ang laban sa laro sa first quarter. Lumamang ang Lakers ng 7 points. Ngunit, nahabol ng Heat.Naging intense pa ang laro pagsapit ng second half. Ngunit, nag step-up si LeBron at binitbit ang team katuwang si Davis.
Umalalay din sina Caldwell-Pope, Alex Caruso at Rajon Rondo. Pagsapit ng 2 minute ng fourth quarter, inalaagaan ng Lakers ang kalamangan, 95-88.
Sinikap humabol ng Heat. Ngunit, umalagwang muli ang Lakers at lumamang ng 9 last 39 seconds ng regulation, 100-91.
Sa panig naman ng Miami, gumawa si Jimmy Butler ng 22 points, 10 boards at 8 assists. Nag-ambag naman si Duncan Robinson ng 17 points at 3 boards.
Umasiste naman si Bam Adebayo ng 15 points, 7 boards at 1 assists. Idaraos naman ang Game 5 sa Biyernes (ET/ 9:00 PM) araw ng Sabado (PH time/ 9:00 AM).
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE