
Laglag na ang Los Angeles Lakers sa contention sa play-in tournament. Dahil dito, naglaho ang kanilang tsansa na makalambitin sa playoffs. Ito’y matapos silang talunin ng Phoenix Suns, 121-110.
Sa season, na sweep ng 4-0 ang Lakers.
Ito rin ang Ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng basketball career ni LeBron James na hindi nakapasok sa playoffs.
Malungkot na umalis James sa balwarte ng Suns. Hindi ito makapaglaro dahil sa iniindang ankle injury. Tanging sina Russell Wesbrook at Anthony Davis lang ang naglaro sa ‘Big 3.’ May nalalabi na lang ilang laro ang Lakers ngayong regular season. Kahit na ipanalo pa nilang lahat iyon, wala na ring pag-asang makapasok sila sa play-in.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT