
Muling nagtala ng impressive win ang Los Angeles Lakers kontra Sacramento Kings, 122-114. Ito na ang 3 straight wins ng team mula sa 5 straight losses. Bumida sa laro si LeBron James na nagsalpak ng 31 points, 5 boards at 5 assists. Nag-ambag naman si Malik Monk ng 24 points, 4 boards at 4 assists. Bumuslo naman ng tig-19 points sina Russell Westbrook at Horton-Tucker.
Sa panig naman ng Kings, bumira si De ‘Aaron Fox ng 30 points, 6 assist at 4 boards. Si Buddy Hield naman ay kumana ng 26 points at 5 rebounds. Nagposte naman si Harrison Barnes ng 14 points at 6 boards.
Sa iba pang laro, tinupok naman ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans, 123-110. Nanguna sa panalo ng Suns si Devin Booker na nagbuslo ng 33 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT