Sa loob ng apat na buwang paghihintay, sa wakas, muling magbabalik aksyon ang laro sa NBA na nakatakdang simulan ang 2020 season restart sa July 30. Bawat team ay mayroong eight regular-season games upang madetermina kung sino ang uukupa sa playoff seeding. Gayunman, ang nasabing laro ay pawang closed door games at walang manonood na fans.
Kabilang sa naka-set na laro sa July 30, na gagawin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida ay ang laban ng Utah Jazz at New Orleans Pelicans, 6:30 PM/ ET. Susundan ito ng inaabangang bakbakan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Lakers, 9:00 PM, ET.
Ang Lakers at Clippers ang paboritong team sa Western Conference na gusto ng fans at sports analyst na makapasok sa NBA Finals. Ang Lakers, na may 49-14 record ay haharap din sa mabibigat na teams gaya ng Raptors, Jazz, Thunder, Rockets, Pacers, Nuggets at Kings sa kanilang 8 walo. Matatapos naman ang kabuuang laro ng Lakers sa Agosto 13.
Samantala, bukod sa Lakers, makakaharap naman ng Clippers (44-20) sa kanuuang 8 games schedule ang Pelicans, Suns, Mavericks, Trail Blazers, Nets, Nuggets at Thunder.
Kaugnay sa NBA restart, sinabi naman ni NBA Commssioner Adam Silver, bagama’t nagpositibo ang 16 manlalaro ng liga mula sa 302 na dumaan sa pagsusuri sa coronavirus; tuloy aniya ang mga nakatakdang laro dahil maliit ang bilang ng nagpositibo; taliwas sa inaasahan nila.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!