
Tinapos na ng Los Angeles Clippers ang serye, 4-2 sa NBA playoffs West Round 1 Game 7. Pinilipit ng Clippers ang Dallas Mavericks, 126-111.
Bumida na naman si Kawhi leonard sa pagbuslo ng 28 points, 10 boards at 9 assists. Nag-ambag naman si Marcus Morris ng 23 points, 5 boards at 2 assists.
Habang si Paul George naman ay kumamada ng 22 points, 10 assists at 6 boards.
Samantala, sa panig ng Dallas, nabalewala ang monster perormance ni Luka Doncic. Nagtala si Doncic ng 46 points, 7 boards at 14 assists.
Nag-ambag naman si Dorian Finney-Smith ng 18 points, 10 boards at 2 assists. Habang si Kristaps Porzingis ay kumana ng 16 points, 11 boards at 2 steals.
Sa pag-usad ng Clippers sa semis, makakalaban nila ang no.1 seed na Utah Jazz.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo