Nakalamang na serye, 2-1 ang Los Angeles Clippers sa pagpilipit sa Dallas Mavericks, 130-122.
Bumida sa Game 3 sa Clippers si Kawhi Leonard na nagbuslo 36 points, 9 boards at 8 assists.Nag-ambag naman ng 11 points si Paul George.
Malaki naman ang naitulong ni Landry Shamet na nagtala ng 18 points. Nag-ambag naman ng 15 si Ivica Zubac.
Naging agresibo sa depensa at paghablot ng boards ang Clippers. Bagay na nakatulong sa pag-alagwa nila sa Game 3.
‘I thought his playmaking was incredible tonight,” ani Clippers coach Doc Rivers patungkol kay Leonard.
“Obviously his scoring, his defense, but his playmaking sets a tone for everybody else.”
Samantala, nasira ang diskarte ng Dallas nang indahin ni Luka Doncic ang injury sa left ankle sprained. Nagtala si Doncic ng triple-double na may 13 points, 10 boards at 10 assists.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang magiging status ni Doncic sa Game 4.
“It’s hard to say how this is going to be,” ani Mavs coach Rick Carlisle.
“We’ve got every advanced treatment modality here, as every team does, and we’ll see how this responds in the next 36 hours,” dagdag ni Carlisle.
Narito naman ang kabuuang stats:
LAC:Kawhi Leonard: 36 Pts. 9 Rebs. 8 Asts. 2 Stls. 1 Blks. Landry Shamet: 18 Pts. 3 Rebs. 1 Stls. 1 Blks. Ivica Zubac: 15 Pts. 6 Rebs. 1 Blks. Marcus Morris: 14 Pts. 8 Rebs. 2 Asts. Montrezl Harrell: 13 Pts. 2 Rebs. 1 Blks. Paul George: 11 Pts. 9 Rebs. 7 Asts. 2 Stls. 3/16 FG
DAL:Kristaps Porzingis: 34 Pts. 13 Rebs. 1 Asts. Seth Curry: 22 Pts. 3 Asts. 1 Stls. Tim Hardaway Jr.: 22 Pts. 6 Rebs. 1 Asts. Luka Doncic: 13 Pts. 10 Rebs. 10 Asts. 1 Stls. 1 Blks.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo