May 2, 2024

LOLO NA INIWAN NG ASAWA NAMARIL NG 2 KAINUMAN SA ANTIPOLO

ARESTADO ang isang 75-anyos na lolo matapos umanong pagbabarilin ang kanyang mga kainuman sa Antipolo, Rizal.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakikipag-inuman ang 75-anyos na suspek kasama ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kanyang bahay nang bigla na lamang itong magalit.

Mabilis na tumakbo ang dalawang biktima, habang binabaril sila ng suspek.

Isa sa mga biktima ang nasugatan.

Pagkatapos ng pamamaril ay bumalik na ang suspek sa kanyang bahay at nag-lock ng pinto.

Samantala, gumamit ng drone ang Antipolo Police, para manmanan ang bahay ng suspek. Kinumbinse rin nila ang suspek na sumuko.

Sa huli ay lumabas ng bahay ng suspek para sumuko sa mga awtoridad.

“May pinagdadaanan itong ano natin yung suspect kasi allegedly iniwan ng asawa pati ng pamilya so mag-isa na lang siya doon,” ayon kay Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Antipolo Police chief.