NASAKOTE ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang lolo at bebot sa magkahiwalay na drug operasyon ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Nestor Monteberde, Jr, alyas “Tong-it”, 25, Joseph Llanera, 36, at Marilyn Francisco, 23, pawang ng Northville Casarival, Bignay.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Carlito Nerit Jr., dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa pamamagitan ng pamumuno ni Col. Ortega ng buy-bust operation sa Northville 1 Casarival, Bignay.
Kaagad dinamba nina PCpl Christopher Quiao, PCpl Isagani Manait at PCpl Jhun Ahmard Arances ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, P600 bill, 2 cellphones at isang motorsiklo.
Sa Navotas, dakong 12:20 ng madaling araw nang maaresto naman ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr. na nagsasagawa ng covert patrolling sa kahabaan ng Lacson St. Brgy. NBBN si Efren Dela Cruz, 63, residente sa lugar.
Narekober sa kanya ang 12 plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P14,280 ang halaga.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA