September 19, 2024

LOLA LEONING NI ANGELICA PANGANIBAN, PINABAYAAN NA NGA BANG TALAGA?

TOTOO kayang pinabayaan na ni Angelica Panganiban ang kanyang Lola Leoning? Iyan kasi ang kumakalat na balita, at hindi ito nagustuhan ng mga Netizen. Biruin mo isa kang sikat na Angelica Panganiban, tapos ang Lola Leoning mo ay pinabayaan mong nakatira na lamang sa isang barong-barong. Ang hiling ng mga malalapit sa 33-year-old, ay tulungan naman daw niya ang kanyang lola na may sakit na iniinda.

Ang kanyang biological grandmother ay talaga namang nangangailangan ngayon ng tulong, pero dedma lang si Angelica. Tanong nga ng marami ay bakit daw natitiis ng actress ang kanyang Lola Leoning? Kung hindi niya ito bibigyan ng pansin, makakasira ito sa kanyang career na iniingatan. Dahil mismong mga Netizens na ang umaalma sa pananahimik ni Panganiban, imposible raw na hindi ito makarating sa kanya dahil, pinag-uusapan na sila sa social media.

Kung may nagawa mang mali sa kanya ang kanyang Lola Leoning, sana raw ay huwag na niyang gantihan ang kanyang lola. Dahil kung tutuusin, malaki rin naman ang naitulong sa kanya nito. Pumangit tuloy ang imahe ni Angelica Panganiban, lumabas ang pagka-walang utang na loob niya sa taong nag-aruga sa kanya. Sana hindi totoo ito, dahil kung totoo ang chikang ito, tiyak na grabeng karma ang aabutin ni Angelica, na sa bandang huli ay pagsisisihan niya.