ARESTADO ang apat na kabataang lalaki matapos palibutan at holdapin ang isang babaeng senior citizen na sakay ng kanyang e-bike sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ni PSSg Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naganap ang insidente sa Pama-sawata bridge, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, dakong alas-2:30 ng madaling araw.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng kanyang E-bike ang biktimang si Lourdes Dela Rosa, 69, housegold vendor ng Blk-13, L25, PH2 A3, Dagat-dagatan, Brgy Longos, Malabon City nang harangin siya at palibutan ng apat na kabataang lalaki na edad 15, 16 at 17, pagsapit sa nasabing lugar.
Tinutukan ang biktima ng patalim ng isa sa mga suspek sabay pahayag ng holdap at sapilitang kinuha ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng iba’t-ibang ID’s, isang bank ATM card, cellphone, citizen watch at P300 cash.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 na nagpaparolya malapit sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na menor-de-edad at nabawi sa kanila ang tinangay nila sa lola.
Nasa kustodiya ng Bahay Pag-Asa Navotas City ang apat na kabataang suspek na nakatakdang iprisinta sa inquest proceeding sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa paglabag sa Article 293 of RPC (Robbery).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA