December 25, 2024

LOCALLY TRANSPORTED ONION SHIPMENTS ININSPEKSYON NG BOC-PORT OF DAVAO

Ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao, sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service, X-ray Inspection Project at ang Customs Intelligence and Investigation Service ang dalawang container na may lamang tig-500 sako ng pulang sibuyas.

Ito’y upang tiyakin na mayroon itong kaukulang permit at transfer documents bago ipalabas upang maiwasan ang agricultural products sa lokal na pamilihan.

Ang naturang kargamento ay galing sa Nueva Ecija patungo sa Port of Manila at dumating sa KTC Container Terminal sa Port of Davao.

Wala namang nakitang paglabag ang BOC matapos makapag-presenta ang representatives ng consignees ng kaukulang transport documents, tulad ng Clearance for Domestic Transport na inisyu ng Bureau of Plant Industry, proofs of payment mula sa local supplier, at acknowledgement receipts mula sa iba’t ibang warehouses.

Tiniyak ni BOC Davao District Collector Erastus Sandino Austria sa publiko ang pangako ng naturang port na pigilan ang smuggling alinsunod sa 7-point priority program ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz at bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pigilan ang agricultural smuggling.