June 8, 2025

Liza Soberano, Tampok sa Filipino Heritage Night ng MLB sa U.S.

LOS ANGELES, California — Ikinagalak ng mga manonood ang pagdalo ng aktres na si Liza Soberano sa Major League Baseball (MLB) game sa pagitan ng Los Angeles Dodgers at New York Mets, kung saan siya ang napiling magbigay ng ceremonial first pitch bilang bahagi ng Filipino Heritage Night na ginanap kamakailan sa Dodger Stadium.

Si Soberano, 27-anyos, ay naging sentro ng atensyon sa pagdiriwang na nagbibigay-parangal sa kulturang Pilipino at sa kontribusyon ng Filipino-American community sa Amerika.

Kasama rin sa nasabing event ang mga superstar ng MLB gaya nina Shohei Ohtani, Mookie Betts, Freddie Freeman, Will Smith, at Pete Alonso, na nagpakitang-gilas sa makasaysayang laban.

“So honored to be amongst all my kababayans throwing the first pitch at the Dodgers vs. Mets’ game for Filipino Heritage Night,” pahayag ni Soberano sa kanyang Instagram post. “I was so nervous, but I think I did okay?”

Ipinost din ng Los Angeles Dodgers sa kanilang opisyal na Instagram account ang mga larawan ni Soberano kalakip ang caption na:

“Celebrating Filipino Heritage Night at Dodger Stadium with Liza Soberano.”

Sa nasabing laban, nangibabaw si Michael Conforto sa opensa, habang matagumpay na tinambakan ng Dodgers ang Mets sa iskor na 6-5, isang panalong mahalaga sa pagpapatibay ng kanilang pwesto sa National League West Division.

Ang Filipino Heritage Night ay taunang isinagawa sa iba’t ibang liga sa Amerika upang kilalanin at ipagdiwang ang mayamang kultura ng mga Pilipino sa diaspora. Isa si Liza Soberano sa mga kinikilalang personalidad na nagsisilbing tulay ng kultura sa pagitan ng Pilipinas at ng internasyonal na entablado. (RON TOLENTINO)